Isang guro sa Tarlac ang hinangaan ng netizens hindi lang sa pagbabahagi niya ng karunungan sa mga estudyante kung hindi maging sa effort niya na gawing komportable sa silid-aralan ang mga bata.

Sa ulat ng GMA News TV "Balitanghali" nitong Biyernes, sinabing hindi alintana kay teacher Merlita Geronimo, masugatan ang mga kamay matahi lang at punda at foam na gagawin niyang sapin sa mga upuan ng mga estudyante.

Aabot umano sa 60 seat covers ang tinapos ni teacher Merlita upang magamit ng kaniyang mga mag-aaral sa darating na pasukan sa susunod na linggo.

Dahil sa kaniyang ginawa, makikita kung gaano nito binibigyan ng halaga ang mga bata.-- FRJ, GMA News