Matagal nang usapan-usapan at kinatatakutan ng ilan ang umano'y halimaw na nananahan sa lawa ng Lakewood, Zamboanga del Sur na kung tawagin ay "busiso." Isa umano itong kakaibang uri ng napakalaking isda na hindi lang kayang magpataob ng bangka, kung hindi kumakain din ng tao.

Sinasabing mayroon "chant" na bawal bigkasin kapag naglalayag sa malawak at malalim na lawa dahil lalabas ang halimaw kapag nadinig ito o kaya naman ay may masamang mangyayari.

Matapos humingi ng pahintulot mula sa mga kinauukulan, naglayag ang team ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," kasama ang ilang nasa awtoridad upang susubukan kung may lalabas ang sinasabing halimaw kapag binigkas ang chant.  May katotohanan kaya ang kinatatakutan na ito? Panoorin.


Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News