Isang mahabang sawa na nanggaling sa loob ng isang inidoro ang nahuli ng isang residente sa Barangay Holy Spirit sa Quezon City.
Sa Twitter post ni GMA News reporter James Agustin nitong Lunes, sinabing nilagyan ng plastic ang inodoro kung saan natagpuan ang sawa para mas madali itong mahuli.
READ: Lalaki sa Thailand, sinakmal sa 'private part' ng malaking sawa na nasa inidoro
READ: Kobra, lumitaw naman ngayon mula sa inidoro ng isang bahay sa Thailand
Nang gumagapang na ang sawa palabas ng inidoro, doon na ito sinunggaban para mahuli.
WATCH: Nilagyan ng mga residente ng plastic ang inodoro kung saan natagpuan ang sawa. Kita na gumagapang pa ang sawa nang mahuli ng isang residente. (???? Ricky Formanes) @gmanews @dzbb @UnangHirit pic.twitter.com/UKpS4pEmth
— James Agustin (@_jamesJA) March 11, 2019
Hindi nabanggit kung ano ang gagawin sa sawa.
JUST IN: Sawa, natagpuan sa inodoro ng isang bahay sa Brgy. Holy Spirit Quezon City. (first ???? Diding Avila) @gmanews @dzbb @UnangHirit pic.twitter.com/oTdKSPrag1
— James Agustin (@_jamesJA) March 11, 2019
--FRJ, GMA News