Isang biik ang isinilang sa Sultan Kudarat na buhay at may dalawang mukha na magkadikit sa iisang ulo.
(Screengrab from Reuters video)
Sa ulat ng Reuters, sinabing ang kakaibang biik ang pinakahuli sa walong biik na inilabas ng inahing baboy noong Enero 31 sa Barangay Calian sa Sultan Kudarat.
Namangha umano ang mga residente nang malaman na dalawa ang mukha ng biik na magkadikit, dalawa ang nguso, at tatlo ang mata.
Parehong nakakahinga umano sa kanilang nguso ang mga biik at nagagamit din sa pagsuso sa kanilang ina.
Pinangalanan ng may-ari ng baboy na si Adelita Dalipe ang kaniyang kakaibang alaga na sina "Mara Clara."
Para mabantayan nang mabuti, inihiwalay daw niya ito ng kulungan at laging binabantayan.
Naniniwala rin siya na suwerte sa kanilang biik na inakala raw ng iba na hindi tatagal ang buhay.
Ayon sa veterinarian na si Allan Alimajen Jr., ang kondisyon ng biik ay tinatawag na Polycephaly,
''Animals with this condition usually do not last long and may die after a few weeks. It remains to be seen whether this piglet will survive," pahayag niya.— Reuters/FRJ, GMA News