Kinagiliwan ng netizens ang video na ipinost sa social media na makikita ang larong "pitik-kalamansi." Aakalain na madali lang ang laro pero hindi pala. Panoorin.

Sa ulat ng GMA News TV "Balitanghali," sinabing kailangan munang umikot ng ilang beses ang mga kasali at saka mabilis na lalapit sa kalamansi na nakapatong sa ibabaw ng bote.

Pero dapat may takip din ang isang mata ng manlalaro at ang isang kamay nito ang pipitik sa kalamansi.

Kung inakala ninyong madali lang ang laro, panoorin at subukan.


--FRJ, GMA News