Buhay na manok, bunot, kandila, sponge, at pangkamot sa likod bilang pangregalo? Puwede!
Sa Polytechnic University of the Philippines, ang mga Accounting student ay may kakaibang twist sa mga exchange gift ngayong Kapaskuhan.
Mga hindi kasi pangkaraniwang inireregalo ang kanilang ibinigay sa isa't isa.
May nakatanggap ng buhay na manok, pantanggal ng bara sa inidoro, tabo, kandila, sponge, bunot, pangkamot sa likod, at iba pa.
Ang tema kasi ng kanilang kris kringle ngayong taon ay "something funny".
Bukod sa mga nakakatuwang bagay, mayroon ding mga pagkain tulad ng bigas, noodles, at saging.
Ayon sa isang mag-aaral, hindi lamang sa kasiyahang sila nagkaisa, dahil maging sa paghuli sa nakawalang manok ay sama-sama rin sila. Iniuwi at inalagaan rin naman daw ang manok noong nakatanggap nito.
Magkakabigan pa rin naman daw sila matapos ang palitan ng regalo.
Kapuso, anong nakatutuwang regalo ang inyong natanggap sa mga nagdaang Pasko? — Joselito Natividad/DVM, GMA News