Nais ipasuri ng isang mangingisda ang natagpuan niyang dambuhalang clam shell o taklobo sa baybayin ng Eastern Samar.

Sa ulat ng GMA News TV "Balita Pilipinas" nitong Martes, sinabing ang natagpuang taklobo, mas kilala sa lugar na "tilang" o "buka," ay may haba raw na 90 sentimetro at lapad na 66 na sentimetro.

May bigat din daw ito na tinatayang mahigit 100 kilo.

Sinabi ng mangingisdang nakakita sa giant taklobo na nais niya itong ipasuri dahil naniniwala siya na mas malaki pa ito kaysa sa giant clam shell  na nasa Puerto Princesa, Palawan museum.

Posible raw na ang nakita niyang taklobo ang pinakamalaking clam shell sa bansa. -- FRJ, GMA News