Hindi lang pataba sa lupa ang maaaring maging silbi ng mga dumi o ipot ng manok dahil maaari din itong maging pamalit sa fossil fuel o coal para lumikha ng enerhiya.
Sa ulat ng Reuters, sinabing nagsasagawa ng pag-aaral ang mga mananaliksik mula sa Ben-Gurion University sa Israel para sa naturang layunin.
"We're taking wet waste, wet poultry litter, we introduce it into a pressure cooker so to speak, and we heat it up to 250 degrees celsius. During this process, the water is becoming really reactive and the chemical processes occurring in this pot or in this pressure cooker, convert the organic waste into coal-like material," paliwanag ni Professor Amit Gross, ng Ben-Gurion University.
Paniwala ng mga eksperto, ang biomass fuel ay puwedeng pumalit sa tinatayang 10 porsiyento ng coal na ginagamit sa paglikha ng elektrisidad.
Makatutulong din umano ang kanilang bagong tuklas para mabawasan ang greenhouse gas emission na nakasasama sa kalikasan.
Pero maliban sa dumi ng manok, may iba pang dumi na naiisip nilang pagkunan ng enerhiya.
"Different waste sources can be introduced, for example, if we introduce human faeces into it and possibly we can treat sanitation issues in rural areas, converting their waste to coal-like material that can be used for energy or soil amendment and also improve sanitation issues in these villages," ayon kay Gross.
Sabi naman ni Vivian Mau, Ben-Gurion University, "Using waste is ideal because it's already being produced anyway, we consume a lot of meat, chicken meat for example and we are consuming more and more so this waste is going to be here and the amounts are going to be growing and we need a solution." -- Reuters/FRJ, GMA News