Nagmistulang mahabang lubid na nahulog mula sa ibabaw ng tulay ang mga taong sumali sa sabay-sabay na pagtalon sa Brazil.
Ayon sa ulat ng Reuters, layunin ng 245 katao na sumali sa pambihirang stunt na ginawa sa Hortalandia sa Brazil na masungkit ang Guinness World Record para sa sabay-sabay na "rope jumping."
"It was crazy. A unique feeling. An unbelievable experience. You jump and it's pure adrenaline and you just go," ayon kay Laercio dos Santos.
Mayroong taas na 98 talampakan ang tulay at umabot 20 kilometro at 1,000 harness ang ginamit ng mga sumali.
Wala pang anunsyo ang Guinness kung nagtagumpay sa kanilang layunin ang naturang grupo. (Larawan mula sa Reuters)-- FRJ, GMA News