Paano nga ba malalaman kung migraine na ang pananakit ng ulo? Sa Pinoy MD ngayong linggo, sinagot ni Dr. Dave Ampil II ang tanong ni Zion Seranap Agaran sa social media tungkol dito.

"Kadalasan, 'pag migraine 'yan, 'yung headache ay one-sided, sa isang parte lang ng ulo. Pangalawa, ito ay pulsating. Kumbaga, para siyang sumasabay sa pulso," ayon kay Doc Dave.

"At maaaring may tinatawag din na light sensitivity, parang nasisilaw ka o you are able to see mga flashes of light. 'Yan ang mga characteristic ng migraine," dagdag pa niya.

Pero ayon kay Doc Dave, hindi lahat ng migraine ay may ganitong mga sintomas, kaya naman payo niya, kapag persistent na ang headache, magpatingin sa isang neurologist. —JST, GMA News