Cyclopia o cyclocephaly ang tawag sa kondisyon ng isinisilang na sanggol na isa lang ang mata. Sinasabing isa sa bawat 100,000 na sanggol na ipinapanganak ang nagkakaroon ng ganitong kondisyon pero kaagad din umanong namamatay.
Sa Sultan Kudarat, isang sanggol ang isinilang na isa lang ang mata at walang ilong. Hinala ng ina ng bata, may kinalaman ang paglilihi niya sa pinya sa naging hitsura ng kaniyang anak.
Sinaliksik at tinutukan ng programang "Kapuso Mo, Jessica Soho" ang naturang pangyayari at ang paliwanag ng duktor tungkol sa nangyari sa sanggol. Panoorin.
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--FRJ, GMA News