Kalunos-lunos ang sinapit ng isang aso na namatay nang pagtatagain ng tindera matapos umano itong magnakaw ng karne sa Subic, Zambales.

Sa ulat ng State of the Nation, mapanonood ang isang video na duguan at nakalitaw na ang laman-loob ng asong si "Tiger" dahil sa pananaga umano ng tindera.

Nagawa pang makalakad ng aso ngunit binawian din ng buhay.

Ayon sa kumuha ng video, nagdesisyon silang kunan ang sitwasyon ng aso matapos itong pumunta sa kanilang direksyon.

Dinakip naman ng mga awtoridad ang tindera, na wala pang pahayag.

Kinondena naman ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) ang brutal na pagpatay sa aso.

“Those who commit such violent acts against animals pose a danger to society as a whole. Abusers of animals are often capable of inflicting harm on humans as well. By taking a stand against animal cruelty, we are fighting for the safety and well-being of people. Standing up against animal abuse is not just a moral obligation — it is a necessary step in creating a safer, more just society,” saad ng PAWS sa pahayag.

“If you have witnessed any act of animal cruelty, PAWS urges you to come forward. Every report and case filed is a vital step in the fight against cruelty,” dagdag ng organisasyon. -- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News