Umaasa si Ashley Ortega na mapapatawad siya ng kaniyang ina kaugnay sa kanilang naging hidwaan.

Sa episode ng "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition" nitong Miyerkoles, nagkaroon ng pagkakataon si Ashley na "makausap" ang kaniyang ina sa pamamagitan ng mga tanong na inihanda ni "Kuya."

Sa isinagawang hapunan ng mga housemate, makikita ang larawan ng mga mahal nila sa buhay. Sa bawat nakahandang pagkain, may tanong na inihanda si Kuya.

Unang tanong kay Ashley na kunwaring galing sa kaniyang ina: "Tingin mo ba nagkamali ka nung umalis ka sa bahay?"

Tugon ng aktres, "Honestly, Ma, I think 'yung mali sa ginawa ko is I left you guys without saying anything. I thought about it for years even though OK tayo, even though OK 'yung relationship natin, I would ask myself, (if) I would leave the house, and my answer would always be yes. Hindi na ako nakapagpaalam."

Ang ikalawang tanong, "Sa palagay mo ba nami-miss kita?"

Hindi sigurado si Ashley pero sabi niya, "What I feel like is, hindi mo pa rin tanggap lahat nung nangyari so I don't know. I don't know if you miss me or not and I don't want to expect that you miss me. Sana, from time to time you would think that I'm OK. I'm sure naman ang napulot ko sa inyo ay I can handle things on my own, that I've been independent. I do miss you. I miss Lola so much."

Sa tanong na: "Gaano kalaking sakit ang naidulot ko sa 'yo?," hindi na napigilan ni Ashley ang kaniyang emosyon.

"Sobrang sakit, Ma. To the point na I left because hindi ko na kaya talaga. I know I caused you so much pain when I left because alam ko ring binuhos mo rin 'yung mundo mo sa akin," sabi ni Ashley.

"I appreciate you for that. I just wanted to leave because ayoko 'yung habang buhay may hatred ako sa Mom ko. Ayokong lumaki nang lumaki 'yung hatred ko sa 'yo, Ma. That's why I just chose to leave to distance myself. To give space for myself and for you also. So that you can focus on yourself first," dagdag niya.

"I am grateful na binigay mo sa akin lahat ng oras mo. You're the reason why I'm a figure skater. You're the reason why I'm a good actress. You've been there," patuloy ng aktres.

Naniniwala si Ashley na naging problema nila ang kawalan ng komunikasyon upang maipahayag ang kanilang damdamin hanggang sa maipon ang hinanakit.

Ang ika-apat na tanong: "Sa kabila ng lahat ng away at hindi pagkakaintindihan natin, may bagay ba akong nagawa na ipinagpapasalamat mo?"

"I think you know naman na I'm grateful for a lot of things. I'm thankful for you're just beside me all the time, binabantayan mo ako. Thank you rin sa lahat ng mga emotions na pinaramdam mo sa akin, the good and the bad because if it weren't for that wala akong malalim na hugot sa buhay," sabi ng Kapuso star.

At ang huling tanong: "Sa tingin mo ba may pag-asa pang magkaroon ng pagpapatawad sa pagitan nating dalawa?"

"Of course, Ma. I'm just waiting for you. If you're not ready. Go, take your time kasi ako OK na ako," sagot ni Ashley.

Sa naturang proseso, kasama ni Ashley ang host at house guest na si Gabbi Garcia na nagtanong kung sinubukan ba niyang humingi ng tawad sa kaniyang ina.

"I texted her. If I had the chance to be OK with her again. Of course, I want to visit Lola," sabi ni Ashley

Ang kaniyang naging huling mensahe para sa ina: "I know it's your birthday in a few days right now. Happy birthday. I hope all your wishes will come true. Whatever happened in the past, I hope we can just forget about it and move on and find peace in our hearts.

"I always pray that my mom will heal and I hope she will forgive me," dagdag niya.

Nagbigay naman ng payo sa kaniya si Kuya: "Huwag kang panghinaan ng loob. Ang malalalim na sugat, magagamot ito ng pagmamahal. Darating ang araw na magkakaayos din kayo."

Napapanood ang "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition" sa GMA Network sa ganap na 10 p.m. sa weekdays at 6:15 p.m. tuwing weekends. — mula sa ulat ni Josiah Antonio/FRJ, GMA Integrated News