Isang Australyana na brokenhearted ang kumasa sa #PusoChallenge para hanapin ang puso ng mga Pinoy at simulan ang kaniyang healing journey. Siya na nga kaya ang maging forever ng Empoy Marquez na isa ring single?
Sa nakaraang episode ng "I Juander," ipinakilala ang Australyanang content creator si Emrys Ari, na ikinuwento ang nabigo niyang pag-ibig.
"From then, about a month of LDR (long distance relationship), everything was perfect. Honestly we made amazing videos together. We were drawing people closer to God, we had an amazing team. With all honesty it's been the most incredible experience of my life," kuwento ni Emrys.
Ngunit ang kanilang pag-iibigan, humantong sa kasawian.
"Without any warning, I got a message saying that he was on a way to the airport where we were staying in Thailand... Sakit!" sabi ni Emrys, na nagsimulang maging emosyonal.
"And so, he got on a plane and unfortunately blocked me everywhere, and I didn't hear from him for a long time," dagdag niya.
"That was my husband for me, not from any arrogance, not from knowing who he was, it was my husband. I didn't want anything but to love him and to support what he was doing," sabi ni Emrys.
Para maka-move on, nagdesisyon siyang manatili sa Pilipinas at inumpisahan ang #PusoChallenge, kung saan aampunin siya kada araw ng unang pamilya na mag-aalok sa kaniya nang personal na tumuloy sa kanilang tahanan.
"Whatever they think is the heart of the Philippines, I ask them 'Show me your heart of the Philippines' and I ask them 'What do you think is the heart of the Philippines?' and I click the answers and I start to learn this culture," sabi ni Emrys.
Samantala si Empoy naman, na kilalang kuwela at kengkoy sa telebisyon, single pa rin hanggang ngayon.
"Happy naman. Pero mostly at the time, siyempre alam mo 'yun? Pag-uwi mo ng bahay parang may kulang. Kaya siguro it's time na rin para mag-settle down," sabi ni I Juander.
Kaya naman sina Emrys at Empoy, kumasa sa #PusoChallenge na buuin ang "puso" ng isa't isa sa makasaysayang lugar ng Intramuros.
Tunghayan sa I Juander ang nakakakilig na pagtatagpo nina Emrys at Empoy, at ang kanilang date sa Intramuros. Sila na kaya ang maging forever ng isa't isa? Panoorin. --FRJ, GMA Integrated News