Muling sinuspinde ng Malacañang ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno at mga klase sa mga paaralan sa lahat ng antas sa Luzon sa Huwebes, Oct. 24, 2024 dahil pa rin sa bagyong "Kristine."
Ginawa ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang anunsiyo nitong Miyerkoles ng gabi.
"Agencies involved in the delivery of basic and health services, preparedness/response to disasters and calamities, and/or the performance of other vital services are hereby directed to continue their operations and render the necessary services," ayon kay Bersamin.
"The localized cancellation or suspension of classes and/or work in government offices in other areas may be implemented by their respective Local Chief Executives, pursuant to relevant laws, rules and regulations," dagdag niya.
Sinabi rin ni Bersamin, na nasa pamunuan naman ng mga pribadong kompanya ang pasya kung magsusupinde rin ng pasok para sa kanilang mga manggagawa.
Sa 8:00 pm na tropical cyclone bulletin ng PAGASA nitong Miyerkules, 13 lugar ang nasa ilalim ng Signal No. 3.
Sa loob ng susunod na 18 oras, makararanas umano ng hangin na 89 km/h hanggang 117 km/h ang mga lugar na nasa ilalim ng signal no. 3 na:
- Isabela
- Kalinga
- Mountain Province
- Ifugao
- the central portion of Abra (Malibcong, Licuan-Baay, Sallapadan, Daguioman, Bucloc, Boliney, Tubo, Luba, Manabo, Bucay, Villaviciosa, Pilar, San Isidro, Peñarrubia)
- Benguet
- Quirino
- Nueva Vizcaya
- northern and central portions of Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Maria Aurora, Baler)
- the northern portion of Nueva Ecija (Carranglan, Lupao, San Jose City, Pantabangan)
- Pangasinan
- La Union
- the central and southern portions of Ilocos Sur (Cervantes, Quirino, Sigay, Suyo, Alilem, Sugpon, Tagudin, Santa Cruz, Salcedo, Gregorio del Pilar, San Emilio, Lidlidda, Burgos, San Esteban, Santiago, Banayoyo, Galimuyod, City of Candon, Santa Lucia, Nagbukel, Santa Maria, Narvacan)
Samantala, 62 km/h hanggang 88 km/h na hangin naman ang mararanasan sa loob ng susunod na 24 oras ng mga lugar na nasa ilalim ng signal no. 2 na:
- Ilocos Norte
- the rest of Ilocos Sur
- Apayao
- the rest of Abra
- Cagayan including Babuyan Islands
- the rest of Aurora
- the rest of Nueva Ecija
- Bulacan
- Tarlac
- Pampanga
- Zambales
- Bataan
- Metro Manila
- Cavite
- Laguna
- Rizal
- Batangas
- Quezon including Polillo Islands
- Camarines Norte
- Camarines Sur
- Catanduanes
Signal No. 1 naman sa mga sumusunod na lugar na makararanas ng lakas ng hangin na 39 km/h hanggang 61 km/h o panaka-nakang ulan sa susunod na 36 na oras sa:
- Batanes
- Occidental Mindoro including Lubang Islands
- Oriental Mindoro
- Marinduque
- Romblon
- the northern portion of mainland Palawan (El Nido, Taytay, Araceli, San Vicente, Dumaran)
- Cuyo Islands
- Calamian Islands
- Albay
- Sorsogon
- Masbate including Ticao and Burias Islands
- Aklan
- Capiz
- Antique including Caluya Islands
- Iloilo
- Guimaras
- the northern portion of Negros Occidental (Pontevedra, La Castellana, Moises Padilla, Bago City, La Carlota City, Valladolid, Pulupandan, Bacolod City, San Enrique, Murcia, Silay City, City of Talisay, Enrique B. Magalona, Manapla, City of Victorias, Cadiz City, Sagay City, City of Escalante, Toboso, Calatrava, Salvador Benedicto, San Carlos City)
- the northern portion of Negros Oriental (Vallehermoso, Canlaon City, City of Guihulngan)
- the northern and central portions of Cebu (Alcantara, Argao, Dumanjug, Sibonga, Pinamungahan, Ronda, Liloan, Cebu City, Moalboal, Consolacion, Danao City, Borbon, Carmen, Daanbantayan, Tuburan, City of Bogo, Tabogon, City of Naga, Lapu-Lapu City, City of Carcar, Mandaue City, Catmon, Minglanilla, Toledo City, Cordova, Compostela, San Remigio, Balamban, Aloguinsan, San Fernando, Asturias, Barili, Medellin, Sogod, Tabuelan, City of Talisay) including Bantayan Islands and Camotes Islands
- Bohol
- Eastern Samar
- Northern Samar
- Samar
- Leyte
- Biliran
- Southern Leyte
- Dinagat Islands
- Surigao del Norte including Siargao - Bucas Grande Group
Nitong 7 p.m. ng Miyerkoles, namataan si Kristine sa layong 150 kilometers east ng Echague, Isabela at taglay ang pinakamalakas na hangin na 95 km/h at pagbugso ng 115 km/h.--FRJ, GMA Integrated News