Kinagiliwan ng netizens ang sign language interpreter sa GMA show na "Unang Hirit" dahil nakikihataw din siya sa pagsayaw habang ginagawa ang kaniyang trabaho sa pagsasalin sa pamamagitan ng sign language ng awiting "Butata" ni Pablo ng SB19.
Nitong Biyernes, naging panauhin sa programa si Jay Joseph, ang choreographer sa likod ng hit dance challenge mula sa awiting "Butata."
Ngunit hindi lang ang husay sa kaniyang pagsayaw--pati ang dance group na W-- ang napansin ng mga manonood, kung hindi maging ang sign language interpreter na makikita sa ibabang bahagi ng TV screen.
Sa clip na ipinost ng isang user sa TikTok, makikita ang interpreter na sumasayaw din habang ginagawa ang kaniyang trabaho..
"Kuya interpreter is slayin' the 'Butata' challenge," saad sa caption ng nag-upload ng clip.
"Ang cute! I hope we can make this trend also. Ang galing kasi we'll learn paano ang 'Butata' sa sign language tapos it'll be more inclusive pa," ayon naman sa isang netizen.
@mira083818 Butata by @PABLO #butata #sb19_pablo ? original sound - mira083818
Ang "Butata" ay kasama sa latest album na "Laon" ni Pablo na inilabas noong September 20.
Kabilang si Pablo sa mga coach sa "The Voice Kids Philippines," kasama sina Julie Anne San Jose, Billy Crawford, at Stell, na miyembro rin ng SB19. —FRJ, GMA Integrated News