Sasali na rin sa labanan sa pagka-senador ang television host na si Willie Revillame na naghain ng kaniyang certificate of candidacy nitong Martes para sa Eleksyon 2025.

Ngayong Martes ang huling araw nang paghahain ng COC ng mga nais tumakbo sa posisyon sa gobyerno.

Bago ang paghahain ng COC, iniulat ng PEP.ph na masusi umanong pinag-isipan ni Willie ang pagsabak sa pulitika na matagal na ring hinihimok noon ng iba't ibang grupo para tumakbo.

Hindi raw alam ng kaniyang mga anak at mga kamag-anak ang ginawa niyang desisyon. Halos hindi raw siya nakatulog dahil sa pinag-isipan at pinag-aralan niyang mabuti ang kaniyang gagawin.

"Ginagawa ko ito hindi para sa sarili ko. Gagawin ko ito para sa mga kababayan natin na, akala nila, wala nang pag-asa. Akala nila puro pangako lang. Tutuparin natin lahat," saad ng TV host sa ulat ng PEP.

Si Willie ay isa lamang sa maraming celebrity at mga kilalang personalidad na sasabak sa Eleksyon 2025 para sa iba't ibang posisyon sa gobyerno.

Bukod sa 12 senador, maghahalal din ang mga botante para sa party-list system, kongresista, gobernador, bise gobernador, alkalde, bise alkalde, mga konsehal, at iba pang lokal na posisyon.

Narito ang ilan sa mga celebrity na papalaot sa mundo ng pulitika:


 —NB, GMA Integrated News