Ilang celebrity at social media personalities ang naghain ng kani-kanilang Certificate of Candidacy (COC) para kumandidato sa gaganaping Eleksyon 2025 sa Mayo. Kilalanin ang ilan sa kanila.
Ayon sa Commission on Elections (COMELEC), may kabuuang 18,280 elective posts ang paglalabanan sa darating na halalan.
Kabilang sa mga posisyon na ito ang 12 upuan sa Senado. Kasama rin ang puwesto sa party-list na ang mananalo ay uupong kinatawan sa Kamara de Representantes.
Maghahalal din ang mga botante ng gobernador, bise gobernador, alkalde, bise alkalde, at mga konsehal at iba posisyon sa lokal o pamahalaang panglalawigan.
--FRJ, GMA Integrated News