Bistado ang tangkang pagpupuslit ng shabu sa loob ng kulungan ng isang 20-anyos na babae na itinago niya sa pandesal sa Kabankalan, Negros Occidental.

Sa ulat ng GMA Regional TV News nitong Martes, sinabing bibisitahan sana ng babae sa kulungan ang kaniyang nobyo na nakakulong.

May dala ang babae ng isang supot na naglalaman ng mga pansesal. Bilang bahagi ng patakaran, sinuri ng mga guwardiya ang pandesal at napansin nila na may hiwa ang isa sa mga ito.

Nang suriin ang tinapay, doon na nakita ang sachet na naglalaman ng ilegal na droga.

Hindi na nakatanggi ang babae at inamin umano na  inutusan siya lang siya ng kaniyang nobyo na nakakulong dahil din sa kasong ay kinalaman sa ilegal na droga.

Mahahanap na rin ngayon ang babae sa kaukulang reklamo dahil sa kaniyang ginawa. --FRJ, GMA Integrated News