Nauwi sa suntukan ng mga mambabatas ang mainit na pagtalakay ng kanilang Kongreso sa tinatawag na "Foreign Agents" bill.
Sa ulat ng GTV "Balitanghali" nitong Martes, makikita ang isang mambabatas na kasapi ng mayorya at nagsusulong ng kontrobersiyal na panukala, habang nagsasalita sa sesyon.
Maya-maya lang, isang mambabatas na miyembro ng oposisyon ang sumugod at sinapak sa mukha ang nagsasalitang mambabatas.
Hindi nagtagal, nagkagulo na rin ang ibang mambabatas sa loob ng sesyon.
Layon umano ng foreign agents bill na iparehistro ang mga organisasyong tumatanggap ng pondo mula sa ibang bansa.
Pero tinututulan ng marami ang naturang panukala dahil natutulad umano ito sa ginagawa ng Russia, ayon sa ulat ng Reuters.
Hinihinala ng mga kritiko paraan ito ng administrasyon para masubaybayan ang mga organisasyon na kritikal sa gobyerno.
Nagpahayag din ng pagtutol sa naturang panukala maging ang bansa sa Europa at pati na ang United States.
Sabi ni Khatia Dekanoidze, kasapi ng oposisyon, "It's not about the law, I mean it's not about the legal proceedings. It's about the geopolitical choice. Whether Georgia is going to the European Union, or whether Georgia is going to Russia." -- may ulat mula sa Reuters/FRJ, GMA Integrated News