Bago umalis papuntang El Salvador para maging pambato ng Pilipinas sa Miss Universe Pageant, sumalang muna sa "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Lunes si Michelle Dee.

Sinabi ni Michelle sa King of Talk na itinuturing niyang isa sa kaniyang mga lucky charm ang pag-guest niya sa show.

Saad ng beauty queen, bago siya sumabak noon sa Miss Universe Philippines, nag-guest din muna siya sa "Fast Talk..." at nakuha niya ang korona.

Si Tito Boy, kumpiyansa naman na maiuuwi ni Michelle ang korona mula sa El Salvador kaya ipinakilala niya ang Kapuso star bilang "Miss Universe."

Pero bukod sa pagiging suwerte, sinabi ni Michelle na pinaghandaan niya ang kompetisyon at sumailalim na siya sa mga matitinding pagsasanay, kasama na ang Q and A at maging ang pagrampa.

Hindi naman daw nag-aalala si Tito Boy sa pagsalang ni Michelle sa Q and A portion dahil tiwala siya sa husay ng pagsagot ng Kapuso actress.

Bilang patikim, tinanong ni Tito Boy si Michelle kung bakit mahalaga na madagdagan ang mga kababaihan bilang pinuno ng lipunan.

Tugon ng Miss Universe Philippines 2023, "Essentially, I believe, if we have more women leaders, it'll be a reflection of a more diverse, inclusive, and empowered world."

"You know, women have this innate quality of being empathetic, understanding, and compassionate, and you know, the statistics will show only a third of the leaders around the world are women, and with that representation, we can really amplify the voices of women, make sure that all of the opportunities and the social issues, such as gender-based violence and the lack of women education around the world are addressed and that, every woman feels that she has a seat at a table as well."

At dahil sa nangyayaring digmaan sa ilang bansa, tinanong ni Tito Boy kung ano ang maaaring magawa ni Michelle.

"Tito Boy, nobody wins at war. There are only countries that should be safe spaces for their citizens, those are ruined, families are torn apart, and most especially the children, they're exposed to so much fear and violence at such a young age when they should be fostering a happy life and a happy childhood."

"If I were Miss Universe, I would really use my platform to leverage and promote inclusivity, to promote, you know, cooperation and understanding for all of these leaders, especially conflicting nations, to really work together because we should all live in the world that is peaceful, that is united, and that is safe for everybody," patuloy niya.

Gaganapin ang Miss Universe coronation night sa November 18. -- FRJ, GMA Integrated News