Inihayag ni Zeinab Harake na bukas siya na makipag-co-parenting sa dati niyang partner na si Skusta Clee.
Sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes, sinabi ni Zeinab na wala siyang komunikasyon kay Skusta ngayon.
"Ako po ginagawa ko lang naman po kung ano po 'yung makakabuti para sa mga anak ko. Du’n ako mas nagpo-focus ngayon kaysa sa mga bad things na nangyari before," ayon sa vlogger.
Para kay Zeinab, kailangan munang magkaroon sila ni Skusta ng respeto sa isa’t isa bago sila pumasok sa co-parenting set-up.
"Dadating po siguro tayo sa time kapag talagang okay na, meron nang respeto sa 'ming dalawa, tsaka magkakaroon ng respeto para sa 'ming lahat," sabi ni Zeinab.
Handa rin daw si Zeinab sa isang usapang maayos.
"Bukas naman po ako basta po makikitaan ko ng... Tito Boy ako po talaga ‘yung napakalambot ng [puso] ko lalo na sa mga nakakagawa ng bad. Basta kausapin mo ako nang maayos, patunayan mo sa akin na nirerespeto mo ako, desisyon ko or anything, wala pong magiging problema," patuloy niya.
“Pero kung pasunggab, mahihirapan tayo diyan,” pahabol pa ni Zeinab.
Ayon kay Zeinab, naghiwalay sila ni Skusta dahil may ibang babae ang rapper.
May anak isang anak sina Zeinab at Skusta na si Bia. Magkakaroon pa sana ng anak na lalaki ang dalawa pero nakunan si Zeinab, na pinangalanan niyang Baby Moon.-- FRJ, GMA Integrated News