Nagluluksa ngayon si Mystica dahil sa pagpanaw ng kaniyang anak na si Stanley Villanueva.

Sa Facebook post, inihayag ni Mystica na nakabase na ngayon sa Las Vegas, na pumanaw si Stanley noong March 19 dahil sa cardiomyopathy, liver cirrhosis at pneumonia.

Sa video na naka-post sa social media nitong March 26, nagpaalam ang singer-actress sa kaniyang anak at hiniling na patuloy siyang gabayan.

"As much as I want to say goodbye to you anak, I hate to let you go," panimula ni Mystica.

"Gabayan mo ako anak, na sana ang mga ito ay pagsubok lang. Sana lilipas din. Wag mo akong pabayaan," saad niya.

"I know it's hard to start over again, pero sisikapin ko. Na kahit wala ka na, I am sure kakayanin ko pa rin. Tatayo pa rin ako dahil  sabi mo hindi mo ko iiwan," patuloy niya. — FRJ, GMA Integrated News