Naghatid ng good vibes sa dabarkads ang mga elementary students na sumabak sa Pinoy Henyo game ng "Eat Bulaga" nitong Miyerkules.

Pinaka-intense ang mag-partner na grade 5 students at magkaklase na sina Khaizatch at Jonina, na mula sa Manggahan Elementary School.

Si Khaizatch ang natokang manghuhula ng Pinoy Henyo word na "Albay," habang si Jonina ang magbibigay ng clue.

Mataas ang pressure kina Khaizatch at Jonina dahil kailangan nilang masagot ang Henyo word nang hindi hihigit sa 38.63 seconds matapos makuha ngsinundan nilang tandem ang pinahulaang salita na "Small Intestine."

Nang lumitaw na ang salitang Albay, nakuha agad ni Khaizatch ang clue na lugar sa loob ng 15 segundo.

Nang magtanong si Khaizatch kung nasa Luzon at landmark ang Henyo word, sumagot ng "oo," si Jonina.

Kaya mga lugar na pasyalan at puntahan ang mga isinagot ni Khaizatch gaya ng Rizal Park, Baguio, at iba pa.

Natuwa ang mga dabarkads nang paulit-ulit na tanungin ni Khaizatch si Jonina nang :"sure ka rito?!, "sure ka?!, "sure ka ba?!.

May pagkakataon pang napunta sa Visayas ang dalawa hanggang sa tuluyan nilang hindi masagot ang Henyo word na nasa Bicol region.

Pero kahit nagsigawan, nagtawanan naman sina Khaizatch si Jonina matapos ang kanilang masayang laro.

Panoorin ang nakatutuwang episode sa video kung saan nahirapan din ang isang pares ng mag-aaral na mahulaan ang Henyo word na "tocino." --FRJ, GMA Integrated News
<iframe width="760" height="415" src="https://www.youtube.com/embed/ZnRFUq6bUUI" title="YouTube video player" frameborder="0" allow="accelerometer; autoplay; clipboard-write; encrypted-media; gyroscope; picture-in-picture; web-share" allowfullscreen></iframe>