Tinalakay ang usapin sa pera o komisyon ng mga dating manager ni Liza Soberano sa episode ng "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Lunes.
Ayon kay Liza, bago ang kaniyang "rebranding," tatlo ang dati niyang manager na sina Ogie Diaz, ang pinsan ng kaniyang ama na si Joni Lyn Castillo-Pillarina, at ang Star Magic.
Paglilinaw ni Liza, hindi totoo ang mga akusasyon laban kay Ogie na 40% ang kinukuha nitong komisyon mula sa kaniyang kinikita.
"People were accusing Tito Ogie of taking 40% from me. I want to clarify na hindi po yon totoo," saad ni Liza na aminadong ayaw sana niyang pag-usapan ang tungkol sa naturang usapin ng kita.
Paliwanag ng aktres, hanggang 2015-2016, 30% umano ang komisyon ni Ogie, 20% ang kaniyang Tita Joni at 10% ang Star Magic.
Dahil dito, 40% ang naiiwan sa kaniya na kita.
"But I also pay U.S. taxes alongside my Philippine taxes 'cause I'm a U.S. citizen and a Filipino citizen so my total take-home was around 30%," saad niya.
Pero nagpasya umano kinalaunan si Ogie at Tita Joni niya na bawasan ang komisyon na natatanggap ng mga ito sa 20% [kay Ogie] at 15% [Tita Joni], "because "they felt like I deserved more because I was putting in a lot of work."
Nanatili naman sa 10% ang komisyon ng Star Magic.
Pero nilinaw din ni Liza na tanging sa mga endorsement lang niya kumukuha ng komisyon ang Star Margic, at hindi na sa mga proyekto niya gaya ng mga teleserye.
"I never complained because 'yun po 'yung nasa kontrata," ani Liza.
Nang tanungin ni Tito Boy si Liza kung totoo na hindi na kumukuha ng komisyon si Ogie sa nakalipas na dalawang taon, sabi ni Liza, na hindi iyon totoo.
"That's incorrect. It actually hurts me that he's making up those lies about me. I feel like he's trying to make it seem like I wasn't profitable in the past two years we were working together when he knows the truth," emosyonal na pahayag ni Liza.
"He knows my pains, he knows the things that I felt, the things were mishandled so it's kind of unfair — I feel like he's trying to tarnish my name," dagdag ng aktres.
"And he knows. I don't want to bring this up but he still gets commissions from some of the endorsements of mine that fell under the time I was under contract with him even though he has no more obligations. We told him he had no more obligations towards me with those endorsements," patuloy niya.
Noong nakaraang buwan, may natanggap pa umanong paycheck si Ogie mula sa kaniyang endorsement.
"Literally last month, we gave him a paycheck for an endorsement that was renewed before our contract ended. And kahit wala na siyang ginagawa for that, we gave him his commission because that's what's right," paliwanag niya.
"I wouldn't breach my contract," ani Liza.
Tinanong din ni Tito Boy kung iyon na ang huling bayad na matatanggap ni Ogie mula sa kaniya, sabi ng aktres, "He's going to get another one this week."
Sa naturang panayam, inihayag ni Liza ang tampo niya kay Ogie dahil sa mga naging pahayag nito sa vlog na nakasasama raw sa kaniya.
"Why is he trying to say things to make people turn against me?" tanong ni Liza.
Ang naturang pahayag ni Liza ay ikalawang bahagi ng panayam ni Tito Boy sa aktres upang linawin ang kaniyang mga nasabi sa kontrobersiyal niyang vlog na "This Is Me."— FRJ, GMA Integrated News