Ibinasura ng Taguig Regional Trial Court ang apela ng modelong si Denice Cornejo na irekonsidera at bawiin ang nauna nitong pasya na payagang makapagpiyansa ang actor at TV host na si Vhong Navarro na dahilan ng pansamantala nitong paglaya.

Sa tatlong pahinang desisyon ni Taguig Regional Trial Court Branch 69 Presiding Judge Loralie Datahan, sinabing ibinasura ang naturang mosyon ni Denice dahil sa kawalan ng merito.

Idinagdag ng korte ang kawalan ng pagsang-ayon ng Office of the City Prosecutor ng Taguig ang inihaing mosyon.

β€œIn this case, there is no conformity from the public prosecutor. This circumstance was not denied by the private respondent. Private respondent merely claimed that the Office of the Prosecutor did not object to the filing of the Motion to Reconsider,” ayon sa desisyon.

Nitong nakaraang Disyembre nang payagan ng korte si Vhong na magpiyansa ng P1 milyon kaugnay sa kinakaharap na kasong rape na isinampa nig modelo na nangyari umano noong 2014.

Isinampa ng Taguig prosecutors ang kaso noong nakaraang Setyembre. Nauna nang itinanggi ng aktor ang alegasyon laban sa kaniya.β€”FRJ, GMA Integrated News