Ibinahagi ni Rica Peralejo ang mga pinagdaanang madilim na yugto ng kaniyang buhay. Kabilang na rito ang pagiging sexy star niya noon.
Sa podcast na "Surprise Guest with Pia Arcangel," inilahad ni Rica na hindi naging madali sa kaniya ang buhay. Sa edad na 12, kinailangan na niyang magtrabaho.
Nagdesisyong magtrabaho si Rica sa murang edad nang mawala ang negosyong fishery ng kaniyang ama dahil sa pagsabog noon ng Mount Pinatubo. Hanggang sa siya na ang sumusuporta sa kaniyang pamilya.
"It had that big effect on me. First of all that I had to start early in life, like no one should be carrying that much of a load at 12 years old. And you don't know that when you're 12. You're just like doing stuff. That's one," sabi ng actress-TV host.
"Second is when I turned into a sexy star. From wholesome image, gumawa ako ng movies or I had to bear some flesh and all that," pagpapatuloy ni Rica.
"That takes away from the dignity of a woman," paglalahad ni Rica ng kaniyang pananaw.
Para kay Rica, mahalaga rin sa pagiging buo ng isang tao ang pangangalaga o pagrespeto sa kaniyang katawan.
"Back then of course ang iniisip ko lang, 'Nagtatrabaho lang po ako.' Totoo pa rin naman 'yon na nagtatrabaho lang din naman talaga ako. But this is our body. This is the age of knowing na our bodies, it's very important to our wholeness. Hindi siya puwedeng iniisip mo lang or emotionally stable ka lang. Dapat integrated, pati 'yung physical. So siyempre may effect 'yun sa akin."
Pag-amin niya, hindi tama ang kaniyang nararamdaman noong mga panahong gumawa siya ng mga daring na proyekto.
"Through the years, the way that I would address this is like, 'Let's keep working, let's keep working. Let's just do whatever we need to do to survive.' Pero deep down inside namamatay na ako, and I would cover it up with relationships, a whole lot of drinking, partying."
Ayon pa kay Rica, normal lamang sa mga tao ang makaranas ng "awkward" phase sa pagdadalaga o pagtanda, ngunit kakaiba ang kaniyang pinagdaanan.
"It was a very difficult kind of life. Hindi naman ako normal na bata na nag-e-eskuwela lang, tapos sinasabi ng magulang na ganito. Ibang iba 'yung buhay ko," paglalahad niya.-- FRJ, GMA Integrated News