Pumanaw na sa edad na 75 ang OPM icon na si Danny Javier, at miyembro ng APO Hiking Society.
Kinumpirma ng anak ni Danny na si Justine Javier Long, ang malungkot na balita sa isang Facebook post nitong Lunes.
Aniya, pumanaw ang kaniyang ama dulot ng komplikasyon sa mga karamdaman nito.
"In life, as in his death, our Pop never stopped fighting for what he loved, what he believed in and what he was passionate about. He left this world with his passion and his strength of will intact and we know he would not have it any other way," saad ni Justine.
Humingi ng pang-unawa at privacy ang pamilya Javier sa harap ng kanilang pagdadalamhati, at paghahanda sa lamay ng namayapa nilang mahal sa buhay.
Nagpasalamat din sila sa natatanggap na "outpouring love, prayers, and condolences at this difficult time."
"Maraming salamat po. Ramdam na ramdam namin ang pagmamahal ninyong lahat para sa kanya."
"Sa lungkot at ligaya, hirap at ginhawa, kami'y kasama mo."
Kamakailan lang, inihayag sa PEP.ph ni Boboy Garrovillo, na mayroon karamdaman ang kaniyang kaibigan at kasama sa APO Hiking Society na si Danny.
“Danny is not well. He’s medyo may kahinaan, may karamdaman, so he is recovering,” sabi ni Boboy.
Noong 2020, inihayag ni Danny sa Facebook post ang tungkol sa kaniyang "health concerns with my heart, lungs, and kidneys."
Kasama si Jim Paredes, kabilang sa mga awitin ng APO Hiking Society's ang "Batang-Bata Ka Pa," "Panalangin," at "Bawat Bata."
Powerhouse: Paano nga ba nabuo ang Apo Hiking Society?
Sa isang episode noon ng "Tunay Na Buhay," ikinuwento ni Boboy kung bakit nabuwag ang grupo nilang Apo Hiking Society matapos ang apat na dekadang paghahandog ng mga OPM song. --FRJ, GMA News