Maraming viewers ang nakapapansin sa napakaraming singsing na suot ng Kuya Kim Atienza sa tuwing magho-host siya ng programa. Bakit nga ba marami siyang singsing at anu-ano ang pakahulugan ng mga ito?
Sa "Dapat Alam Mo!," ipinaliwanag ni Kuya Kim na marami sa kaniyang suot na singsing at tinatawag na "biker's ring."
Kabilang na rito ang isang Euro Monkeys ring, na isinusuot ng grupo ng mga nagmomotor kung saan kabilang ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.
Bukod dito, may singsing din siya ng imahe ni Ultraman, dahil siya ang nagboses noon kay Ultraman.
Mayroon din siyang singsing ng imahe ni Kristo na simbolo ng kaniyang pagiging isang Kristiyano.
"I am a Christian biker. Whenever I ride, I ride to glorify my Lord and my savior," ani Kuya Kim.
Mayroon din siyang singsing na ang disenyo ay helmet at may krus.
Ngunit ang pinaka-importante sa lahat ng kaniyang mga singsing ang wedding ring na kaniya ring suot.
"I've been married for 20 years now. We just celebrated our 20th anniversary. The best decision that I ever made in my life and the best thing that ever happened to me was to marry my wife Fely, and to start our family of five."
Alamin sa Dapat Alam Mo! ang kasaysayan ng wedding ring na nagmula pa sa mga taga-Ehipto, at kung bakit isinusuot ito sa sa ring finger o pangalawang daliri sa kaliwang kamay. --FRJ, GMA News