Ang magandang klima at magandang pakikitungo ng Pinoy ang ilan sa mga dahilan kaya umano nagtatagal at bumabalik ang mga Dutch na bumibisita sa Pilipinas.
Tinatayang umaabot umano ng hanggang dalawang linggo ang pagbabakasyon nila sa Pilipinas. Kaya naman isa sila sa mga longest-staying foreign visitors sa bansa.
Taun-taon mula noong 2015, lumalago umano ng 10 percent ang tourist arrival ng mga nanggaling sa The Netherlands. Noong 2019 bago ang COVID-19 pandemic, 41,313 ang naitalang dayuhang turista na nanggaling sa nasabing bansa.
Ayon sa Philippine Tourism Office sa Frankfurt, ang tatlong pangunahing kinahuhumalingan ng Dutch tourists sa Pilipinas ay ang magagandang beach, kalikasan at kultura.
Idagdag pa ang saktong klima, at mainit na pagtanggap sa kanila ng mga Filipino.
Kaya naman 30% ng Dutch travellers ay mga repeat visitor at ang Manila, Bohol, Cebu, Vigan, Banaue at Palawan, ang kanilang pangunahing destinasyon.
Sa pagluwag ng Pilipinas sa travel restrictions, ang mga fully vaccinated Dutch tourists ay maaari nang pumasyal muli sa bansa na visa-free nang hanggang 30 araw. Ang ibang entry protocols ay proof of vaccination, negative RT-PCR test (taken within 48 hours), 30-day valid tickets, valid passports at travel insurance.
‘With the easing of travel restrictions, we welcome our Dutch friends to come and visit the Philippines. Enjoying the sun and beach in our tropical paradise is one grand way to cast out the pandemic blues,” sabi ni Philippine Ambassador to The Netherlands J. Eduardo Malaya.
Binabalik-balikan
Marami umano ang nagbo-book ng ticket sa simula ng taon para makaiwas sa sobrang lamig ng panahon sa The Netherlands. Batay sa tala ng Philippine Tourism Office, tumaas ang booking ng 170% kumpara sa panahon ng pre-COVID pandemic sa winter period.
Ayon sa TUI Group, isang travel agency company, ngayon summer ng 2022 ay nahigitan na ang booking noong 2019 para sa The Netherlands.
Ang Dutch tourist na si Thomas, 37, darating sa bansa sa Abril at ikatlong beses na niya itong pagpunta sa Pilipinas.
Tatlong linggo siyang mananatili sa bansa.
“The weather is nice and the beaches and islands are very beautiful. Most people also speak English so it’s easy to navigate your way around,” paliwanag niya.
Kasama ni Thomas ang kaniyang Filipina partner na si Carol Halog.
"I miss the delicious homecooked Filipino food and the budget-friendly travel destinations,” sabi ni Carol.
Pitong beses naman nang nagbakasyon sa Pilipina si Vito Pol, 34. At sa tuwing nasa bansa siya, umaarkila siya ng motorsiklo para makapaglibot sa isla na kaniyang pinupuntahan.
Kaagad na kumuha ng tiket si Vito nang magbukas ang turismo ng Pilipinas para sa mga dayuhan. Kasama niya ang kaniyang Dutch-Filipina wife na si Yvonie Gomonit, na tubong Zamboanga del Sur.
“The part that I always enjoy the most in the Philippines is cruising around with my motorbike on the island, hunting for great beaches to chill and looking for snorkelling spots,” ayon kay Vito.
Kasama sa destinasyon nila ang mga beach ng Cebu, Boracay at Palawan.
Pero bukod sa pamamasyal, nais din ni Yvonie na ma-enjoy na kasama ang kaniyang pamilya at mga kaibigan na tatlong taon niyang hindi nakita.
“Like any other Filipino living abroad, it really feels good to see my family again,” ani Yvonie.
“After losing my father a year before my last visit to the Philippines, I decided to visit my mother as much as I can. I’m very grateful the country loosens the pandemic restrictions and made it easier to come back home,” dagdag niya.
Para kay Vito, ang pinaka-unique umano sa mga Pinoy na hindi niya makalilimutan ay ang pagiging "super friendly, warm and family-oriented people where laughter is important.”
First-timer
Nakatakda naman dumating sa bansa ang first time visitor na si Jordy van Pijkeren. Bibisitahin niya sa bansa ang pamilya ng kaniyang Filipina partner.
“I'm excited and I'm looking forward to explore a new country. I will learn a new culture, try out new food and I will finally meet Mara's family after two and a half years,” ayon kay Jordy.
Dahil sa kaniyang partner na si Mara Mercado, sanay na raw si Jordy sa mga lutuing Pinoy gaya ng adobo at lumpia. Pati na ang kaugalian ng pagsasabi ng “po” o “opo” at “pagmamano.”
— FRJ, GMA News