Patuloy na ibinabahagi ni Kris Aquino sa kaniyang Instagram followers ang update sa lagay ng kaniyang kalusugan. Inihayag niya rin na posibleng ngayon buwan siya pumunta sa abroad para magpagamot.
Sa Instagram post, sinabi ni Kris na natapos na niya ang kaniyang unang Xolair injection.
"1st Xolair injection was a success, meaning kinaya ko the full dose," saad niya sa caption ng video tungkol sa kaniyang first dose.
"For the privacy of my doctors let me say thank you using their 1st names: Dr. Hazel, Dr. Katcee, Dr. Nikki, and Dr. Cricket… nurse Eloi is back & nurse Bianca came para magbantay," patuloy ni Kris.
Nandoon umano ang kaniyang dalawang pinaka-close friends na para na niyang kapatid na sina Anne Binay at Cong. Len Alonte.
"And katabi ko best sons ever kuya josh & bimb. Yes, that’s why May tita Ballsy, we were updating my Ate every step of the way," sabi pa niya.
Kung walang magiging aberya sa susunod niyang dose, sinabi Kris na maaaring makaalis na siya papunta sa abroad.
"Thank you for your prayers- supposed to rest this week, then March 13 ang next shot- then after 5 days, praying nothing goes wrong, we finally go abroad & I continue my next doses of Xolair and finally tackle my autoimmune and other important health problems," pagbahagi pa ni Kris.
Inihayag din ni Kris na nasa 85 pounds o 38.5 kg lang ang kaniyang timbang ngayon.
"P.S. nurse Eloi was giving me diphenhydramine shots for my chronic urticaria, last night. Sanay na ko. Kailangan talaga kasi," dagdag pa niya.
"Thank you for being part of my road to wellness & hopefully better quality of life journey w/ me," pagtatapos ni Kris sa caption.
Nakasaad sa Xolair's website, na ang injectable prescription medicine ay ginagamit para gamutin ang "chronic spontaneous urticaria (CSU, previously referred to as chronic idiopathic urticaria (CIU), chronic hives without a known cause) in people 12 years of age and older who continue to have hives that are not controlled with H1 antihistamine treatment."
Natuklasan noong nakaraan taon na mayroong autoimmune disease si Kris. Kamakailan lang, sinabi niya na wala naman siyang cancer at diabetes. —FRJ, GMA News