Nagpositibo sa COVID-19 si Pia Wurtzbach habang nasa United Kingdom kahit kompleto na siya sa bakuna at booster shoot.
Sa Instagram post, ibinahagi ng Miss Universe 2015 titleholder ang kaniyang naramdamang mga sintomas ng sakit.
"I caught COVID here in the UK even though I’ve been fully vaccinated & received my booster shot already. Kumpleto din ako ng flu and pneumonia vaccines. I eat healthy and I’m active, but I still got it," ayon sa beauty queen.
Ayon pa kay Pia, "I got all the symptoms too: fever, sore throat, body pain, runny rose, cough, & I also lost my sense of smell & taste."
"It’s not like a regular cold or flu that goes away after a few days. I’ve never been sick for this long, which lasted more than a week," patuloy niya.
Gayunpaman, sinabi ni Pia na "the worst is through" at isang araw na lang ay makokompleto na niya ang isolation period, kasama ng kaniyang kapatid na tinamaan din ng virus.
Nagnegatibo na rin umano ang huling COVID-19 test sa kanila.
Payo niya, seryosohin ang virus at huwag maging kampante.
"Guys, COVID is so real. My timeline shows that many have/had it too, both in the Philippines & abroad. And the numbers are going up exponentially," mensahe niya sa kanilang followers.
"Being fully vaccinated doesn’t stop you from getting the virus but it helps you overcome it," dagdag ni Pia.
"Please follow health & safety protocols. I think it’s the moment you put your guard down, doon ka mahahawa. You think you’re safe & usually 'yung makakahalubilo mo walang symptoms. Akala mo all is well. Pero, nahawa ka na pala at may possibility na maipasa mo sa iba nang di mo alam," paalala pa niya.
— FRJ, GMA News