Nagpahiwatig si Pope Francis na tila nagiging makasarili ang mga tao na ginagawang pamalit ang mga hayop para may maalagaan kaysa magkaroon ng kanilang anak.

Sa kaniyang mensahe sa mga tao na dumalo sa Vatican, sinabi ng Santo Papa na kung minsan ay pinapalitan na ng mga alagang hayop ang tungkulin ng mga bata sa lipunan.

"Today... we see a form of selfishness," anang Pope. "We see that some people do not want to have a child."

"Sometimes they have one, and that's it, but they have dogs and cats that take the place of children. This may make people laugh but it is a reality," patuloy niya.

Ang naturang gawain ay pagkakait umano ng fatherhood at motherhood, "and diminishes us, takes away our humanity".

Sabi pa ng Santo Papa, "Thus, civilization grows old without humanity because we lose the richness of fatherhood and motherhood, and it is the country that suffers."

Sinabi rin ng Santo Papa na hindi dapat mangamba sa responsibilidad ang mga mag-asawa na pasukin ang pagiging magulang. Kasabay ito ng paghikayat niya sa mga hindi magkaanak na mag-ampon.

"Having a child is always a risk, but there is more risk in not having a child, in denying paternity," pahayag niya.

Samantala, ang naturang pahayag ng lider ng Simbahang Katolika tungkol sa pag-aalaga ng mga hayop ay pinuna ng International Organization for the Protection of Animals (OIPA) sa Italy.

"It is evident that for Francis, animal life is less important than human life. But those who feel that life is sacred love life beyond species," ayon sa pahayag ni OIPA President Massimo Comparotto.

—Agence France-Presse/FRJ, GMA News