Naging meme na rin si Ashley Ortega dahil sa pagganap niya bilang ang kontrabidang si Marriam sa "Legal Wives." Kasabay nito, natutuwa rin siya sa mga komento ng bashers sa kaniyang karakter.
Sa press conference ng "Legal Wives" nitong Martes, sinabi ni Ashley, na tinitingnan niya ang mga galit ng tao bilang papuri sa kaniyang acting.
"I would take it as a compliment. It's my character na kinaiinisan nila and overwhelming siya as in it shows na effective ako na kontrabida lalo na [si] Marriam is the complete opposite ni Ashley," sabi ng aktres.
Oh, labas mga witty!!! #LWMarriamsRevenge #LegalWives pic.twitter.com/OTxC3ENwqX
— Kapuso PR Girl (@kapusoPRgirl) November 3, 2021
"Similarities namin nagkakalayo talaga," dagdag ni Ashley. "I really find the comments interesting kasi ako din magagalit sa kaniya."
Last five days with Marriam, may mga meme worthy scene ka pa ba dyan? #LWHulingLunes@ashleyortega pic.twitter.com/DYjiyKJ41o
— JUAN ? (@juanderpet_) November 8, 2021
Inihayag ni Ashley na nakabasa siya ng ilang negatibong komento o pagbabanta sa kaniyang karakter, pero tinatawanan niya lang ito.
"I don't find it hurtful. Siguro for Marriam, but for me, I find it funny,” ani Ashley.
“Natatawa ako 'yung mga comments ng Pinoy and the memes, they would do sobrang creative [ones]," patuloy niya.
FINALE WEEK NA BA TALAGA????#LWHulingLunes | @GMADrama pic.twitter.com/i8ig67nEvb
— JUAN ? (@juanderpet_) November 8, 2021
Maliban kay Ashley, pinagbibidahan din ang "Legal Wives" nina Dennis Trillo, Andrea Torres, Alice Dixson, at Bianca Umali.
Ito umano ang kauna-unahang Muslim teleserye sa Philippine TV, na nakatakdang magtapos ngayong linggo. --Jamil Santos/FRJ, GMA News