Binasag na ni Aljur Abrenica ang pananahimik sa nangyaring hiwalayan nila ni Kylie Padilla. Saad ng aktor, "tell them who cheated first." Ang aktres, may makahulugang post naman matapos ang pahayag ni Aljur.

Sa Facebook post nitong Martes, sinabihan ni Aljur si Kylie na, "not to hide and disguise" ang kaniyang komento para sa pansariling pakinabang.

"Tell them who cheated first. Tell them who wrecked our family. Tell them why I gave up on you, not on our family. The people deserve to know," ayon kay Aljur.

Sa kabila umano ng mga akusasyon at pag-atake sa kaniya, sinabi ng aktor na hindi siya galit at naa-appreciate daw niya ang reaksyon ng mga tao dahil "it comes from their genuine morality and support towards our family."

"They also deserve to know the truth," giit niya.

Ipinaliwanag ni Aljur na ang kaniyang pananahimik noong una ay napagkasunduan daw nila.  Humingi siya ng paumanhin sa pagsira sa kasunduan dahil, "people who support us still throw accusations and read your statements. It breaks my heart that you can sit still despite the truth."

Sabi pa ng aktor: "Tell them who cheated first. Tell them who are you with right now. Have the courage to settle this. Tell your dad the truth. If not for them, do it for our children."

Patuloy pa niya, "After so many years, will you allow our children, let them believe this story that you and dad left for me? At first it was fair for me to take all the blame. Is it also fine with you guys to let the innocent be attacked with false accusations?"

 

Nito lang nakaraang Hulyo nang kumpirmahan ng ama ni Kylie na si Robin Padilla, na hiwalay na ang kaniyang anak at si Aljur matapos ang dalawang taon na pagsasama bilang mag-asawa.

Sinabi noon ni Kylie na nag-usap sila ni Aljur na magtulungan sa pagpapalaki sa kanilang mga anak na sina Alas at Axl.

'Cryptic' quote ni Kylie

Ilang oras matapos maglabas ng pahayag si Aljur, nag-post naman ng cryptic quote si Kylie sa kaniyang Instagram stories.

“Never underestimate a man’s ability to make you feel guilty for his mistakes,” saad nito.

Sinabi rin ng aktes na nakikinig siya sa mga awitin nina Adele na “Easy on Me,” Billie Eilish na “Happier Than Ever,” at “Wrecking Ball” ni Miley Cyrus.

Nito lang nakaraang linggo, nagpahayag si Kylie na hangad niya ang kaligayahan ni Aljur, na nauugnay ngayon sa sexy newbie actress na si AJ Raval.– FRJ, GMA News