Kinumpirma ng embahada ng Japan na nakatanggap ng impormasyon ang kanilang gobyerno tungkol sa posibleng terror attack sa Southeast Asia, kasama ang Pilipinas.
"We confirm that the Japanese government has received information about a possible terror attack, but we cannot give you any detailed background at the moment," ayon sa inilabas na pahayag ng Japanese Embassy nitong Martes.
"In relation to this, we issued a warning to alert Japanese people residing in some Southeast Asian countries, but we cannot disclose the source," dagdag nito.
Nitong Lunes, naglabas ng abiso ang Japan para sa kanilang mga kababayan para bigyan ng babala sa posibleng pag-atake ng mga terorista sa anim na bansa sa Southeast Asian—ang Pilipinas, Singapore, Malaysia, Thailand at Myanmar.
Pinaalalahanan nila ang kanilang mga kababayan na iwasan ang "Western-owned" facilities, tulad ng mga hotel, restaurants, at religious sites.
"We ask all Japanese residents to remain vigilant against terrorist attacks,” ayon sa kanilang paalala.
Sinabi ng Department of Foreign Affairs na hindi sila inabisuhan ng embassy ng Japan patungkol dito. Pero maaari naman umanong maglabas ng travel alert ang bawat para sa kanilang mga kababayan.
"[T]his type of information may have been shared among intelligence agencies," pahayag nito.
Inihayag naman ng Department of Defense, na magsasagawa sila ng validation tungkol sa impormasyon ng Japan.
Ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police, sinabing wala silang namo-monitor na banta sa seguridad ng bansa.
"As with all reports concerning the safety and security of our communities, the aforementioned advisory will be subjected to the process of validation," ayon kay DND spokesman Arsenio Andolong. — FRJ, GMA News