Isa sa 12 uri ng tarantula na makikita sa Pilipinas ang Quezon Blue tarantula. Bakit nga ba ito tinawag na "blue" gayung sa unang tingin ay makikitang itim ang kaniyang kulay?
Nagtungo sa lalawigan ng Quezon ang "Born To Be Wild" dahil dito lang umano makikita ang Quezon Blue tarantula.
Ang host ng programa na si Dr. Ferds Recio, naghanap ng Quezon blue at minanmanan ang galaw ng tarantula sa paghahanap ng makakain.
Hindi gaya ng ibang gagamba, hindi na kailangan ng tarantula ng sapot para maghintay ng makakain. Sa halip, ito mismo ang naghahanap at matiyagang naghihintay sa kaniyang mabibiktima bilang isang "stealth" predator.
Pero bakit nga ba "blue" ang tawag sa naturang tarantula gayung sa unang tingin ay itim naman ang kaniyang kulay? At totoo rin kaya na nanganganib na ang kanilang populasyon?
Kilalanin at mamangha sa katangian ng Quezon Blue tarantula sa video ng "Born To Be Wild."
--FRJ, GMA News