Muling bumalik sa Puerto Galera si Willie Revillame para sa programang "Wowowin"-Tutok To Win." Ipinasilip na rin niya ang kaniyang beach house at ipinapagawang hotel.

Ipinakita rin ng TV host ang set-up na magkakahiwalay maging sa pagkain. Aniya, mahigpit nilang sinusunod ang health protocols ng pamahalaan bilang pag-iingat sa COVID-19.

Pinayagan na magprograma si Kuya Wil sa Puerto Galera dahil nasa modified general community quarantine ang lugar. Dumaan din muna sa swab test ang lahat ng kabahagi sa produksiyon. Panoorin ang video.

--FRJ, GMA News