Nagkagulo ang mga tao sa Dadar Train Station sa Mumbai, India nang madapa ang isang lalaki, naipit at nakaladkad ng umaandar na tren.

Sa video na mapapanood sa GMA News Feed, sinabing papaalis na ang tren sa istasyon at unti-unti nang bumibilis ang andar nang biglang bumaba mula sa isang bagon ang lalaking nakilalang si Vijay Kumar Patel, 59-anyos.

Pero nadapa si Patel kaya naipit at nakaladkad ng tren siya ng at unti-unti nang pumapailalim.

Mabilis na tumakbo at sumaklolo sa kaniya ang ilang tao at maging ang security personnel sa istasyon.

Isang lalaki ang humila sa paa ni Patel para maalis siya sa pagkakaipit.

Ang lalaking sumagip kay Patel, nakilalang si Umesh Mali, isang railway protection force officer.

Dahil kaniyang ginawa, inanunsiyo ni Central Railway General Manager Alok Kansal, na bibigyan siya ng pabuya na 2,000 Indian rupees o nagkakahalaga ng mahigit P1,300. --FRJ, GMA News