Kakaibang timpla ng kuwentong katatakutan ang handog sa kauna-unahang Netflix anime series ng Pilipinas na "Trese." Ito na nga ba ang bagong mukha ng Pinoy horror?

Sa isang episode ng "AHA!," napag-alaman na bigatin ang tumayong direktor ng naturang Pinoy horror animated series na si Jay Oliva.

Si Oliva kasi ang naging direktor ng ilang sikat na animated movies gaya ng "The Invincible Iron Man," "Doctor Strange," "Green Lantern Emerald Knight" at ang "Justice League Dark."

Pero bakit nga ba espesyal kay Oliva ang "Trese" nang kaniyang gawin? Tunghayan sa ang kaniyang paliwanag, at alamin din ang ginawang mobile game para pa rin sa "Trese."

--FRJ, GMA News