Sa programang "Tunay Na Buhay," inihayag ni Joey Marquez na masaya siyang gampanan ang kaniyang role bilang ama sa 16 niyang anak. Ano nga ba ang prinsipyo ni Joey na kaniyang itinuturo sa bawat isa sa kanila?
“I had my first child when I was 14 to 15 [years old],” sabi ni Joey sa host ng programa na si Pia Arcangel.
“Alam mo kasi ang principle in life ko, lahat ng half-sister, brother ko, kilala ko lahat 'yan. I don't call them my 'half-sister' o 'half-brother.' Sabi ko, 'Wala naman silang kasalanan, kapatid ko pa rin 'yan kahit ano'ng mangyari. Very close ako sa lahat ng kapatid ko," pagpapatuloy ng dating aktor.
Ito ang prinsipyong itinuro ni Joey sa kaniyang mga anak na sina JJ, Jeremy, Jesm, Kristine, Jerica, Jerico, Paolo, Jowee Ann, Yeoj, Winwyn, Zia, Vitto, MM, Jazalla, Jacob, at Joeygy.
“Alam mo very protective sila sa isa't isa. 'Pagka 'yung isa naapi, guguyurin nung isa. Parang ganu'n sila,” sabi ni Joey.
“'One day you'll be a parent. You'll understand me why I'm like this. And why I'm always on guard in terms of your education. That's the only thing I can promise you for a better life,' sabi ko sa kanila,” mensahe ni Joey sa kaniyang mga anak.
Nagpasalamat naman si Winwyn na walang itinago sa kanilang magkakapatid ang kanilang ama.
“Alam na namin, eh. My mom and dad never hid anything from us and we grew up beside each other, we grew up knowing our other siblings. We have a really, really good relationship with each other, thanks to my dad, of course and of course, my mom as well," sabi ni Winwyn.
“Laging sinasabi ni daddy sa amin is walang half-brother, walang half-sister. Kapatid mo pa rin sila at siyempre sa huli rin, magtutulungan din kayo kahit ano'ng mangyari, because family is family,” sabi naman ni Vitto.
Kaya kaya ni Joey na banggitin ang pangalan ng kaniyang mga anak in chronological order? Panoorin ang video. --FRJ, GMA News