Tinawag ng Filipino designer na si Rian Fernandez na "awful" ang naging pagtrato sa kaniya at sa kaniyang team ng Miss Universe Canada Organization sa mga nakaraang taon, kasabay ng kontrobersiya sa pagitan ng fashion designer na si Michael Cinco at nasabing organisasyon.
" I just want to share the dreadful experience I had with them as well. An awful experience that almost cost my life!" sabi ng designer na si Rian Fernandez sa kaniyang Facebook post nitong Linggo.
"I wanted my voice to be heard NOW because I am one with M5 when he mentioned that FILIPINO DESIGNERS SHOULD NO LONGER TRUST Miss Universe Canada Organization, under the directorship of Denis Martin Davila. I will not allow this VILE & CHEATERY of Denis to continue!' pagpapatuloy niya.
Inalala ni Rian ang natanggap niyang bashing online dahil sa gawa niyang white serpentine gown para kay Miss Universe Canada Siera Bearchell noong Miss Universe 2016.
Ayon kay Rian, may iba siyang gown na gustong ipasuot kay Siera para sa finals, na hindi na nakarating sa kandidata.
Noon namang 2018, si Rain at ang kaniyang team ang napiling gumawa ng mga gown para kay Miss Universe Canada 2018 Marta Magdalena Stepien, at naipakita na nila ito kay Denis at Marta.
Dalawang beses pang lumipad patungong Thailand si Rain at ang kaniyang team "to make sure that Marta will get all the assistance."
"My team and I stayed in Thailand for weeks... ALL EXPENSES FOR MY TEAM WAS SHOULDERED BY ME! The gowns were made out of love for the reason that Denis promised me that I will get the exposure & media mileage," pagpapatuloy ni Rain.
Gayunman, nagulat na lamang siya nang mapanood niyang mga likha na ni Michael Cinco ang suot ni Marta sa preliminary competition.
"I was devastated and cried in my hotel room!!! I FELT FRUSTRATED, CHEATED… and I questioned my talent and skill as a designer! Until the stress and anxiety level escalated and I felt half of my body paralyzed. It was the scariest moment of my life," saad ni Rain.
Paalala ni Rain sa mga Pinoy designers na huwag nang hayaan umano silang ma-"scam" pa ng Miss Universe Canada Organization.
“Please have some gratitude and a little sense of professionalism when dealing with people who want to help your queen," sabi ni Rain.
Nagsalita na si Nova Stevens kaugnay ng kinasangkutan niyang kontrobersiya kay Michael Cinco sa social media, pero hindi pa nagbibigay ng pahayag ang Miss Universe Canada Organization hinggil sa isyu.--FRJ, GMA News