Ang karaniwang bilao na kadalasang lalagyan ng kakanin sa Pilipinas, ginawang pang-display sa ibang bansa. Tulad sa Amerika na isang malaking bilao ang ipinagbibili sa halagang $299 o halos P15,000.
Ang naturang bilao na "Bamboo Wall Art" ay ibinebenta sa website ng Pottery Barn.
Sa naturang website, inilarawan ng American home furnishing store ang bilao na "round out your accent wall."
Nakasaad din na "it is an impressive woven art piece made from bamboo."
"Reminiscent of open-air market selling baskets, with a slightly concave shape and shallow rim, it adds warmth, texture and eclectic style wherever it's hung," ayon sa website.
Nakasaad sa website na "handcrafted from bamboo" ang 42 pulgadang bilao na "imported."
May nakalagay din na payo kung papaano iingatan ang bilao.
Ilang netizens na nakakita sa post ang nanghinayang sa pagtatapon ng kanilang bilao na pinaglagyan ng pancit dahil puwede raw palang pagkakitaan pa.--FRJ, GMA News