Kilala sa kaniyang pagganap bilang si Cassiopeia sa hit fantaserye na "Encantadia" noong 2005, ibinahagi ni Cindy Kurleto na ang kaniyang German accent ang nagbigay-tono sa fictional language na Enchanta, ang lenggwahe ng mga Engkanto.
"The inflection and the intonation of [Engkantos] of Encantadia were given by my German accent and the way I pronounced the lines in the script. But without the script, I cannot actually deliver," kuwento ni Cindy sa balik-tanaw episode ng online show na "Just In."
Dahil sa pagiging hit noon ng "Encantadia," naging patok din sa viewers ang mga salitang "Avisala," "Ashti," at "Avisala Eshma."
"'Cause there are like Encantadia fanatics who actually studied the language, it's a real language. And if I say anything wrong they're gonna come after me. There are people out there who know how to speak that language. And so I know only the normal phrases like 'Avisala' which would be the greeting. And Eshma Avi... I don't know," sabi ni Cindy.
"But the fun bit, is that it's my German intonation that gave the language its accent," dagdag ng dating model-actress at VJ.
Panoorin ang buong panayam sa kaniya sa "Did You Know" ng "Just In."
--FRJ, GMA News