Inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kapulisan na hulihin at ikulong ang mga taong walang suot at mali ang gamit ng face mask.
Ginawa ni Duterte ang pahayag nitong Miyerkules sa kaniyang TV address na pangalawa na ngayong linggo.
Sinabi ng pangulo na kailangan ang paghihigpit sa direktiba sa pagsusuot at tamang gamit ng face mask para mapigilan ang pagdami ng COVID-19 cases.
"My orders to the police, those who are not wearing their masks properly in order to protect the public... to arrest them and detain them, investigate them why they are doing it," anang pangulo.
"Yug ayaw maniwala, gusto mo, ayaw mo usapan na maganda, ah di ayan hulihin mo. Imbestigahin mo. Nine hours stay in station," dagdag niya. —FRJ, GMA News