Hindi pinalampas ni Miss Universe Canada 2020 Nova Stevens ang mga panlalait na kaniyang natatanggap mula sa ilang Pinoy. Pero nilinaw din niyang hindi lahat ng Filipino ay racist.

Nag-post si Nova ng ilang screen shots ng mga negatibong komento na makikita na nakasulat sa wikang Filipino.

“Here we go again. I’ve been receiving this picture in my inbox a lot lately,” saad niya sa Instagram.

Kasabilang sa salitang nakasulat ay “nognog” “katakot” “akala ko engkanto," “over well done ang chicken, charge sa grill man,” at “tostadong tostado na nga nasunog pa.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by NOVA (@thenovastevens)

 

“With all that has been going on in the world, ‘black lives matter,’ ‘Asians are human,’ you would think this would bring us together. Instead, it looks like some people are still stuck in their ignorant and racist ideologies,” saad ni Nova.

Hindi itinanggi ng Canadian beauty queen ang kaniyang pagkadismaya sa ilang pageant fans.

“Your hate takes away the fun and enjoyment from this once in a lifetime experience. Is it really that difficult to spread love instead of hate?” ayon kay Nova.

“No one is saying you have to support all contestants, all we’re saying is that you support your delegate without bringing others down,” dagdag niya.

Giit ni Nova, ang kahulugan ng kagandahan ay para sa lahat: "Because beauty can be seen in different shapes, shades and sizes.”

Hiling naman niya sa kaniyang mga tagasuporta, “See the beauty that is in this world. We don’t need to look the same, we just need to treat each other the same.”

Nilinaw naman niya na hindi siya naniniwala na lahat ng Filipino ay racist.

Hindi naman nagkamali sa Nova dahil sa isa pa niyang post, ipinakita niya ang screen shots ng mga positibong mensahe sa kaniya ng mga Pinoy.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by NOVA (@thenovastevens)

 

“Let’s end things on a positive note. To my Filipino fans: I’m sorry if my previous post caused you any harm,” saad niya.

“My post wasn’t intended to incite more hate; rather shed light on the toxicity that sometimes hails from fans (from all over the world),” paliwanag niya.

“Not all are racist. Some of my closest friends who also happen to be some of the nicest people I know are Filipino,” patuloy niya. --FRJ, GMA News