Matapos ang "red-tagging" noon sa ilang celebrity, kontrobersiyal na naman ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) dahil naman sa pag-uugnay ngayon sa komunistang rebelde sa ilang nasa likod ng community pantry na magbibigay ng libreng makakain sa mga naghihikahos dahil sa pandemya.
Sa Senate Minority Leader Franklin Drilon, kinalampag ang liderato ng Senado para talakayon ang inihain niyang panukalang batas na parusahan at ituring kasong kriminal ang “red-tagging.”
Basahin: Angel Locsin, iginiit na hindi siya 'red'; maging si Ella Colmenares na kapatid niya
Basahin: Liza Soberano camp slams 'red tagging' of actress, says she's apolitical
“I have filed an anti-red tagging bill, criminalizing and punishing this practice. I urge the Senate leadership to hear this bill as soon as possible,” sabi ni Drilon sa text message sa mga mamamahayag.
Muling binuhay ni Drilon ang panawagan na talakayin ang kaniyang panukalang batas sa red-tagging matapos na pag-initan ang ilang community pantry organizers, tulad ng nagpasimula ng Maginhawa community pantry sa Quezon City.
Sa ilalim ng panukala ni Drilon, ang “red-tagging” ay inilalarawan na, "act of labeling, vilifying, branding, naming, accusing, harassing, persecuting, stereotyping, or caricaturing individuals, groups, or organizations as state enemies, left-leaning, subversives, communists, or terrorists as part of a counter-insurgency or anti-terrorism strategy or program, by any state actor, such as law enforcement agent, paramilitary, or military personnel."
Nais niyang patawan ng hanggang 10 taon na pagkakabilanggo ang mga nasa likod ng red-tagging.
Pero bukod sa pagpapataw ng parusa sa mga sangkot sa red-tagging, nais din ni Drilon na talakayin din ang pondo ng NTF-ELCAC, na ngayong 2021 ay nilagyan ng P19 bilyon.
Ilan pang senador ang pabor din na suriin ang pondo ng naturang ahensiya, kabilang na sina Sens. Joel Villanueva, Nancy Binay at Sherwin Gatchalian.
“Oh my! We should move to defund NTF-ELCAC in the next budget. Sayang lang pera ng taong bayan," sabi ni Villanueva matapos ihambing ni Lieutenant General Antonio Parlade Jr., tagapagsalita ng NTF-ELCAC sa mansanas ni Satanas ang community pantry.
“Reallocate the current P19 [billion] budget for ayuda. Mas kailangan ito ng taumbayan kaysa sa mga ganitong kalokohan!," dagdag ng senador.
Ayon kay Drilon, hindi na dapat hintayin ng Senado ang 2022 budget debate bago aksyunan ang pondo ng NTF-ELCAC.
“[W]e do not have to wait for the 2022 budget debates to defund NTF-ELCAC. The President should realign the NTF-ELCAC under the 2021 [General Appropriations Act] now. Now na!! Because as the saying goes: ‘Aanhin mo pa ang damo kung patay na [ang] kabayo?’” giit ni Drilon.
Kabilang si Drilon sa mga tumutol noon na bigyan ng P19 bilyon na pondo sa NTF-ELCAC dahil naniniwala siya lump sum pork barrel ito ng Malacañang na nagpapanggap na anti-insurgency funds.
“The [bicameral conference committee] junked my amendment. For the past weeks, I have been urging the President to realign the anti-insurgency budget to fund the budgeted 'ayuda' to the poor. I am glad that my colleagues joined me in that call,” sabi ng lider ng minorya.
Gayunman, hindi sang-ayon si Senate President Tito Sotto na alisin ng pondo ang NTF-ELCAC dahil maganda umano ang mga programa nito.
Sa halip na tanggalan ng pondo, mas nais ni Sotto na alisin sa ahensiya ang mga opisyal na nagbibigay ng “irresponsible statements.”
"We should not be hasty in blaming a good program because of irresponsible statements from some officials. Replace the officials instead,” ayon kay Sotto.--FRJ, GMA News