Kung hirap ang mga tao na makakita ng forever, tila sisiw ito sa mga love bird na sinasabing namamatay ang isa kapag namatay din ang kapares. Gaano nga ba ito katotoo?
Sa programang "Aha!," ikinuwento ni Jerry na apat na taon nang nag-aalaga ng love birds, nang mamatay ang isa niyang inahin na love bird, naiwan ang kapartner nitong lalaking love bird.
Dahil nga sa paniniwala na namamatay ang isang ibon kapag namatay ang ka-partner, naghanap ng ibang inahin si Jerry upang may makasama sa buhay ang "nabalong" lalaking ibon.
Pero nawalan ng saysay ang ginawa ni Jerry dahil kinalaunan ay tuluyan na ring namatay ang lalaking ibon.
Patunay nga ba ang nangyari sa ibon ni Jerry na sadyang kamatayan lang ang makapagpapahiwalay sa love birds? Panoorin ang video na ito ng "Aha!."
Samantala, paano nga ba nagpapakita ng pagmamahal ang mga ng hayop sa isa't isa? Alamin ang kanilang da-moves at maki-"sana all" sa video na ito.
--FRJ, GMA News