Dahil naging limitado ang pampublikong transportasyon nang magka-lockdown, napilitan si Wilson na magbisikleta kapag papasok sa trabaho. Bagaman nagsisi raw siya sa simula dahil mahirap ang magpadyak, nakita niya ang benepisyo nito kinalaunan sa kaniyang kalusugan.
Sa programang "Pinoy MD," sinabi ni Wilson na nasa 30 kilometro ang binabiyahe niya sa pagpasok at pag-uwi mula sa kaniyang bahay sa Valenzuela patungo sa kaniyang trabaho sa Malabon.
Wala raw siyang ibang ehersisyo na ginagawa kaya kombinsido siya na ang pagkabawas ng kaniyang timbang at pagliit ng tiyan ay dulot ng kaniyang pagbibisikleta.
Bakit nga bang epektibong paraan ng pagbabawas ng timbang ang bisikleta at ano ang mga bagay na dapat tandaan kapag ginagamit ito bilang paraan ng pagbiyahe? Panoorin ang video.
--FRJ, GMA News