Gamit umano ang "designer protein" na itinuturok sa utak, nagawa ng mga German scientist na mapalakad muli ang isang baldadong daga. Pero puwede kaya itong gamitin sa tao?
READ: Gamot para mapabagal ang pagtanda at humaba ang buhay, sinusubukan ng Chinese scientists sa mga daga
Sa ulat ng Reuters, sinabi ng cell biologist na si Marco Leibinger, na hindi nila inasahan na lubusang makaka-recover ang daga sa pagkabaldado nito.
"This mouse can actually walk again. We didn't expect that at all back then. We had to check the mice every day. I had taken them out, had them on the hand and suddenly I saw that the two of them were moving very, very strongly," kuwento ni Leibinger.
"And then I put them on the table and saw that they could actually walk again," patuloy niya.
Tumagal umano ng dalawa hanggang tatlong linggo ang ginawang paggamot sa baldadong mga daga.
Umaasa ang mga dalubhasa na makatutulong ang kanilang eksperimento sa paggamot sa mga taong nagkaroon ng spinal cord injuries.
"In general, results or treatments that you develop in mice can normally not one to one be transferred to human beings. So there is still a lot of work ahead of us that needs to be done. And so right now, we cannot guarantee that it works in humans," paliwanag ni Dr. Dietmar Fischer, lead scientist.
"But what we did is we at least showed that in principle, functional regeneration can occur after complete spinal cord injury. And I think that's certainly very nice and something we are very happy about," dagdag niya. --Reuters/FRJ, GMA News